BINUKSAN ng artablado ang exhibit na “Abode,” na ika-apat na solo show ni Aris Ventures, sa Robinsons Antipolo.
Bagaman nakalahok na sa maraming group shows sa Pilipinas at sa ibang bansa, ito ang unang pagkakataon sa career ni Ventures, na maitampok sa Robinsons Antipolo, dahil ang kanyang naunang tatlong solo shows ay ginanap sa Samar.
Pinili ng Samarnon Artist ang titulong “Abode” sa kanyang unang exhibit sa Metro Manila Dahil may kaugnayan ito sa kanyang adbokasiya.
Sinabi ni Ventures na tapat din siya sa kanyang bansa, sa kanyang tahanan at bayang sinilangan, kung saan masuwerte siyang naninirahan.
Maaring bisitahin at masilayan ang mga obra ni Ventures sa Upper Ground Floor, Main Mall ng Robinsons Antipolo, hanggang sa katapusan ng Setyembre.