20 May 2025
Calbayog City
Provincial

Sugatang juvenile Philippine Eagle nailigtas sa Bukidnon

philippine eagle

Nailigtas ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) katuwang ang mga volunteer ang isang sugatan na juvenile Philippine Eagle.

Sa pagpapatrulya ng mga “Bantay Lasang” volunteer ay nakita ang batang agila sa bahagi ng Brgy. Guinoyuran, Bukidnon.

Agad itong dinala sa veterinary clinic para magamot.

Sumailalim sa operasyon ang agila dahil sa sugat nito sa kaniyang kaliwang pakpak.

Naging matagumpay naman ang operasyon at ngayon ay nagpapagaling na ang agila. Sa ngayon ay nagsasagawa na ng imbestigasyon ang CENRO Valencia at ang Mount Kalatungan Protected Area Management Office (PAMO) para matukoy kung ano ang dahilan ng pagkasugat ng agila.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.