27 March 2025
Calbayog City
National

Ikalawang disqualification case ni Cong. Erwin Tulfo, ibinasura ng COMELEC

IBINASURA ng COMELEC ang ikalawang disqualification case na isinampa laban kay Senatorial Candidate at ACT-CIS Partylist Rep. Erwin Tulfo.

Nakasaad sa tatlong pahinang kautusan ng first division ng poll body na “resolve to dismiss” ang instant petition.

Batay sa order, nabigo ang petitioner na magsumite ng proof of service ng petisyon na may  kumpletong annexes sa respondent o affidavit of service.

Ang ikalawang petisyon ay inihain ng na-disbar na abogado na si Berteni Cataluña causing at Graft-Free Philippine Foundation Inc. na kinatawan ni Diosdado Villar Calonge.

Una nang ibinasura ng COMELEC first division ang disqualification case laban sa kongresista, pati na sa kanyang kapatid na si Ben Tulfo at tatlo pang miyembro ng kanilang pamilya.

donna cargullo
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.