MAGDE-deploy ang law enforcement agencies sa Eastern Visayas ng sampunlibong personnel para matiyak ang seguridad sa may 12 Midterm Elections.
Ayon sa Philippine army, ipakakalat sa strategic areas sa rehiyon ang mga tauhan mula sa Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police, at Philippine Coast Guard.
Ginawa ng militar ang pahayag, kasunod ng paglagda sa solidarity pact ng member agencies ng Regional Joint Security Control Center.
Binigyang diin ni 8th Infantry Division Commander, Major Gen. Adonis Ariel Orio ang shared mission ng militar at kanilang partner agencies para sa nalalapit na halalan.
Tiniyak naman muli ni Police Regional Office 8 o Eastern Visayas Director, Brig. Gen. Jay Cumigad sa publiko ang hindi matatawarang suporta ng PNP para mapayapang halalan.