DALAWANG miyembro ng New People’s Army (NPA) ang napaslang habang ilang kagamitan sa pakikidigma ang nakumpiska sa sunod-sunod na sagupaan sa Barangay Sto. Niño, sa Bayan ng Paranas, sa Samar.
Ayon sa 801st Infantry Brigade ng Army, unang sumiklab ang bakbakan nang makasagupa ng mga tauhan ng 33rd Special Forces Company at 87th I-B, ang hindi natukoy na bilang ng mga rebelde na mula sa Yakal Platoon ng Eastern Visayas Regional Party Committee ng NPA.
Northern Samar at DOE, pinagtibay ang ugnayan para sa sustainable energy
Calbayog City Mayor Monmon Uy, bumisita sa Marikina City para sa benchmarking activity
2 sitio sa Leyte, napailawan na makalipas ang ilang taong kawalan ng kuryente
DTI, namahagi ng tulong pangkabuhayan sa mga lugar na dating apektado ng mga bakbakan sa Leyte
Makalipas ang tatlong oras, naka-engkwentro naman ng ibang miyembro ng yunit ang mga rebelde habang tinatakasan ang tropa ng pamahalaan.
Ilang minuto makalipas ang ikalawang engkwentro, naharang ng pwersa ang 87th I-B ang mga tumatakas na NPA members.
Tumagal ng tatlong minuto ang sagupaan na ikinasawi ng dalawang rebelde.
Nakumpiska rin ng mga sundalo ang isang m16 rifle, isang caliber .45 pistol, dalawang anti-personnel mines, isang rifle grenade, iba’t ibang magazines, mga bala, at iba pang war materials.
