4 December 2024
Calbayog City
Business

Hot Money Outflows, umabot sa mahigit kalahating bilyong dolyar noong Oktubre

Printing US dollar bills. Concept of United States economy, buying and selling banknotes in the worldwide. Global finance and business.

MAS maraming short-term foreign investments ang lumabas sa Pilipinas kumpara sa mga pumasok noong Oktubre,batay sa datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Naitala ng Central Bank sa 529.68 million dollars ang net outflow ng transactions sa foreign investments noong ika-sampung buwan, mas mataas kumpara sa 328.19-million dollar outflow noong October 2023.

Kabaliktaran din ito ng 1.03-billion dollar net inflows na naitala ng BSP noong Setyembre.

Ang naturang foreign portfolio investments ay tinatawag ding “hot money” dahil sa mabilis na pagpasok at paglabas ng pondo sa bansa.

Kabilang sa top 5 investor economies noong Oktubre ay United Kingdom, Singapore, US, Luxembourg, at Malaysia.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).