KINAPOS ang Philippine’s First-Ever OLympic Gold Medalist na si Hidilyn Diaz sa Podium, sa 2025 Southeast Asian Games, sa Chonburi Sports School, sa Thailand.
Pumang-apat ang 34 year-old Weightlifting Ace sa Women’s 58-Kilogram Division na may total lift na 200 kilograms, sa kanyang pagbabalik sa SEA Games matapos hindi lumahok sa nakaraang edisyon sa Cambodia.
ALSO READ:
Alex Eala, nasungkit ang kanyang unang SEA Games gold medal sa Women’s Tennis
Olympians na sina Eumir Marcial at Aira Villegas, umusad sa Boxing Finals sa SEA Games
Alex Eala, pinadapa ang pambato ng Thailand para makapasok sa Tennis Finals sa SEA Games
Pilipinas, nakasungkit ng 4 na gold medals sa SEA Games Practical Shooting
Si Diaz na may kasalukuyang SEA Games tally kabilang ang 2 gold medals noong 2019 at 2022, ay unang bumuhat ng 88 kilograms sa snatch, at nag-settle sa 90 kilograms matapos mabigong buhatin ang 92 kilograms.
Nahirapan siya sa clean and jerk, kung saan na-miss niya ang final two attempts at nagtapos sa 110 kilograms para sa overall na 200 kilograms.
