PINAPURIHAN ng isang health professional sa Eastern Visayas ang Samar Provincial Government dahil sa pagtatayo ng Center for Developmental Pediatrics (CDP) na magbibigay ng professional at medical intervention para sa mga batang may espesyal na pangangailangan.
Sinabi ni Dr. Sheryll Bañez Palami, developmental and behavioral pediatrician at consultant sa Eastern Visayas medical center na bagaman mayroon sila nito sa EVMC, hindi ito sapat.
Inamin ni Palami na hindi kumpletong natutugunan ng medical facility ang pangangailangan ng mga batang may special needs.
Ang CDP na inilunsad ng provincial government noong Feb. 12 sa Spark Samar Development Hub sa Catbalogan City, ay nag-aalok ng occupational therapy, speech therapy, at physical therapy.
Idinagdag ni Palami na ang pagkakaroon ng pasilidad na pinatatakbo ng lokal na pamahalaan, gaya ng CPD sa samar ay makatutulong ng malaki sa mahihirap na pamilya.