LABING anim na pulis, kabilang ang hepe ng Dolores Municipal Police Station sa Eastern Samar ang inalis sa kanilang pwesto.
Kasunod ito ng umano’y pag-iinuman sa loob ng police station sa idinaos na christmas party noong Dec. 15.
Sinabi ni Police Regional Office (PRO-8) Public Information Officer, Lt. Col. Analiza Catilogo-Armeza, na agad naglunsad ng agarang imbestigasyon matapos kumalat ang mga larawan ng insidente sa social media.
Kinilala ng mga awtoridad ang labing anim na police officers at isang Non-Uniformed Personnel na umano’y sangkot sa inuman.
Ang lahat ng involved personnel ay sinibak mula sa kanilang duties at ngayon ay nasa ilalim ng kustodiya ng Provincial Personnel and Accounting Unit.
Samantala, inihayag ng PRO-8 ang pagde-deploy ng replacement personnel sa Dolores Municipal Police Station, upang punan ang labing anim na kulang sa 36 personnel sa istasyon.




