HALOS pitumpung kilo ng karneng baboy na hindi sumailalim sa inspeksyon ang kinumpiska sa palengke sa General Santos City bunsod ng health concerns.
Karamihan sa mga karne ay mula sa isang meat shop habang ang mga pira-pirasong lechon baboy ay mula sa isa pang tindahan.
Sinabi ng City Veterinary Office na ang mga baboy ay hindi dumaan sa slaughter house bago kinatay upang matiyak na ligtas ang mga ito mula sa anumang sakit.
Ipinatawag din ng opisina ang mga may-ari ng tindahan kung saan kinumpiska ang mga karne dahil sa paglabag sa Meat Inspection Code.




