APATNAPU’T siyam na medical doctors ang nagsisilbi sa Eastern Visayas sa ilalim ng Doctors to the Barrios (DTTB) program ng Department of Health (DOH) upang palakasan ang health services sa rural communities.
Sinabi ni DOH Regional Information Officer Jelyn Lopez-Malibago, na karamihan sa mga doktor ay medical scholars ng gobyerno na pumirma ng kontrata para magsilbi sa mahihirap na komunidad sa loob ng tatlong taon.
Sa latest deployment noong Jan. 18, labinlimang medical doctors ang nagsisilbi sa iba’t ibang bayan sa Eastern Samar, Leyte, Northern Samar, Samar, at Southern Leyte.
Sa pagitan ng 2021 hanggang 2023, nagpadala ang DOH ng tatlumpu’t apat na doktor sa iba’t ibang bayan ng Southern Leyte, Biliran, at Northern Samar.