SA ikalawang sunod na araw bagsak na naman sa bagong Record Low ang halaga ng piso kontra dolyar.
Nagsara ang palitan ng piso kontra dolyar kahapon sa P59.46, two centavos na mas mababa kumpara sa P59.44 noong Miyerkules.
Noong bago matapos ang taong 2025 lumakas ang piso kontra dolyar dahil sa dagsa ng remittances ng mga Pinoy abroad.
Bagaman nagpahayag ng kahandaan, naniniwala naman ng mga negosyante na hindi pa darating sa puntong aabot sa 60 pesos ang halaga ng piso kontra dolyar.




