Umabot na sa 168.05 million pesos na halaga ng tulong ang naipamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga pamilyang naapektuhan ng pagbaha at landslides sa Samar provinces.
Ayon sa DSWD Regional Office sa Eastern Visayas, saklaw ng naturang halaga ang gastos para sa 214,402 family food packs na ipinagkaloob sa mga pamilyang apektado ng masamang panahon.
Sinabi ni DSWD Regional Information Officer Jonalyndie Chua na nakumpleto na nila ang pamamahagi ng family food packs sa mga lalawigang nasa labas ng Northern Samar.