PORMAL nang inanunsyo ng PAGASA ang ganap na pag-iral ng Habagat o Southwest Monsoon sa bansa.
Ayon sa pahayag ng weather bureau sa kanilang weather analysis nitong nagdaang mga araw, nakita ang pag-iral ng low-level southwesterly winds sa western section ng Luzon at ang Frontal System sa Extreme Northern Luzon.
Humina na din ang Easterlies na nangangahulugang simula na ang Habagat season sa bansa.
Ngayong umiral na ang Habagat sinabi ng PAGASA na aasahan ang mas paminsan-minsan hanggang sa madalas na pag-ulan at thunderstorms lalo na sa western sections ng bansa.
At posible ayon sa PAGASA na sa susunod na dalawang linggo ay magsimula na ang panahon ng tag-ulan.
Maaari pa rin namang makaranas ng monsoon breaks.
Patuloy na babantayan ng PAGASA ang weather situation of the country.
Pinayuhan din ang publiko at lahat ng concerned agencies na maghanda ng mga hakbang sa,magiging epekto ng Habagat gaya ng pagbaha at rain-induced landslides.




