Nakatakdang itayo ang pinakamalaking sports stadium sa Visayas region na may seating capacity na 25,000 sa Tolosa, leyte.
Ayon kay Tingog Party-list Rep. Jude Acidre, itatayo ang mega facility sa dalawampung ektaryang lote sa Barangay Canmogsay.
Pasok sa mga paaralan sa ilang bahagi ng Eastern Visayas, sinuspinde kasunod ng Magnitude 6 na lindol
DPWH, magpapatupad ng 15-Ton Load Limit sa Calbiga Bridge sa Samar
85 child laborers sa Northern Samar, tumanggap ng tulong sa ilalim ng Project Angel Tree ng DOLE
Eastern Visayas, nagpadala ng inuming tubig sa Cebu
Aniya, ang pagpili sa Tolosa bilang lokasyon ng stadium ay bahagi ng hakbang na i-promote ang unang distrito ng Leyte bilang MICE o Meeting, Incentives, Conferences, and Events or exhibitions destination sa rehiyon.
Ang MICE ay isa sa top tourism programs ng Department of Tourism (DOT).
Tinukoy ng tourism department ang Tacloban at katabing bayan nito na Palo bilang bahagi ng MICE corridor sa Eastern Visayas, kung saan matatagpuan ang karamihan sa malalaking hotels at facilities para pagdausan ng conferences, concerts, at sporting events.