Pinag-iingat ng PAGASA ang mga residente sa coastal areas ng Batanes, Cagayan, Ilocos Norte at Ilocos Sur.
Ayon sa PAGASA, inaasahan kasi ang pagkakaroon ng “minimal to moderate” risk ng storm surge sa baybayin ng nasabing mga lalawigan sa susunod na 48-oras.
Sa pagtaya ng PAGASA, aabot sa 1 haggang 2 meters ang taas ng storm surge.
Inirekomenda ng weather bureau ang pag-iwas sa pananatili sa baybaying dagat, kanselahin ang maritime activities at manatiling naantabay sa mga abiso tungkol sa lagay ng panahon.