HIWALAY na ang Wolverine Star na si Hugh Jackman at kanyang misis na si Deborra-Lee Jackman matapos ang 27 years na pagsasama.
Sa kanilang joint statement, sinabi ng couple na pinagpala sila sa kanilang halos tatlong dekadang pagsasama bilang husband and wife at sa pagkakaroon ng wonderful, loving marriage.
Gayunman, ang kanilang journey anila ay nag-iba na at nagpasya sila na hiwalay nilang i-pursue ang kanilang individual growth.
Nakilala ng 54-year old actor, ang fellow performer na si Deborra-Lee sa set ng isang Australian TV Series noong 1995, at nagpakasal ang dalawa makalipas ang isang taon.
Nabiyayaan sina Hugh at Deborra-Lee ng dalawang anak.