DEAD on the spot ang isang guwardiya makaraang pagbabarilin ng kabaro nito sa Barangay Rawis, Calbayog City.
Kinilala ang biktima na si Ronel Jamorawon, security guard sa J&F Department Store, at residente ng Barangay Cautod I, sa Bayan ng Sta. Margarita habang ang suspek ay si Euge Rossel, bente dos anyos, guwardiya rin sa naturang establisyimento.
Sa inisyal na pagsisiyasat ng Calbayog City Police Station, naka-duty ang dalawa sa entrance door ng tindahan nang magtalo ang mga ito hanggang sa bumunot ng baril ang suspek at tatlong beses pinaputukan ang biktima.
Pinaghahanap pa ng mga otoridad ang suspek na mabilis na tumakas matapos ang krimen.