ISANG singkwenta’y dos anyos na guro ang dinakip ng Manila Police District (MPD) matapos umanong pilitin ang isang grade 7 student na kumain ng ipis at pagbantaan ang buhay ng bata.
Isinilbi ng pulisya ang warrant of arrest laban sa teacher sa isang paaralan sa Tondo, Maynila.
ALSO READ:
Mahigit 200 pulis, ide-deploy para sa 2025 MMFF parade ngayong Biyernes
MMDA nabahala sa tambak na basura sa pumping stations ilang araw bago ang Pasko
MMDA, magpapatupad ng Lane Closure at Stop-And-Go Scheme sa Makati sa Dec. 19 para sa MMFF 2025 Parade
Chinese national na umano’y kinidnap, nasagip sa Parañaque
Sa salaysay ng biktima sa mga awtoridad, nangyari ang insidente noong Oct. 15 nang makita niya ang suspek na mino-molestiya ang isang babaeng estudyante sa loob ng eskwelahan.
Sinabi ni MPD Spokesperson, Police Major Philipp Ines, pinagbantaan ng guro ang dose anyos na lalaki na papatayin at sapilitang pinakain ng ipis.
