Bilang bahagi ng 75th Charter Day Celebration, inaanyayahan ng LGU Calbayog sa pamamagitan ng City Arts and Culture Office (CACO) ang lahat na saksihan ang pinakahihintay na Grand Drum Corps Competition.
Gaganapin ito ngayong Huwebes, Oct. 12, sa Northwest Samar State University field, libre ang admission.
Magsisimula ang kompetisyon sa pamamagitan ng parada sa paligid ng Calbayog City proper at agad itong susundan ng Grand Drum Corps Competition sa field ng NwSSU.