20 August 2025
Calbayog City
Local

Good Referral System, hiniling ng Eastern Visayas Medical Center sa gitna ng pagdagsa ng mga pasyente sa ospital

HINILING ng Eastern Visayas Medical Center (EVMC) ang pagkakaroon ng Strong Referral System, sa gitna ng pagdagsa ng mga pasyente sa nag-iisang Tertiary Hospital sa rehiyon, na mahigit doble na ng kasalukuyan nitong Bed Capacity.

Ipinaliwanag ni EVMC Chief, Dr. Joseph Michael Jaro na sa pamamagitan ng Good Referral System ay papayagan lamang ang Regional Hospital na hawakan ang mga komplikadong kaso at makapag-alok ng Specialized Services.

Idinagdag ni Jaro na dahil palaging halos doble ang kanilang kapasidad ay nako-kompromiso ang Efficiency ng kanilang Care Delivery.

Binigyang diin pa niya na kaya naman nilang hawakan ang mga kaso subalit magiging Overworked ang kanilang Health Workers, na aniya ay Counterproductive.

Ang EVMC sa Tacloban City ay mayroong Bed Capacity na 629, subalit ang aktwal na bilang ng mga pasyente ay lumobo sa 1,300, dahilan para gamitin ng pamunuan ng ospital ang Overflow Areas, pansamantalang kinonvert ang ibang bahagi ng pasilidad para sa mga pasyente, at dagdagan ang workload ng kanilang staff.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).