15 February 2025
Calbayog City
Local

Gobernador ng Eastern Samar, pinalagan ang plano ng North Korea na ibagsak ang Rocket Debris sa kanilang katubigan

MARIING pinalagan ni Eastern Samar Governor Ben Evardone ang plano ng North Korea na ilunsad ang kanilang Military Reconnaissance Satellite malapit sa karagatan ng lalawigan.

Sa maikling video statement, tinutulan at kinondena ni Evardone ang planong paglulunsad ng satellite na ipinagbabawal ng United Nations.

Pinag-iingat din ng gobernador ang lahat mula sa Eastern Samar, lalo na ang mga magsasaka, sa maaring bumagsak na debris hanggang June 3, makaraang tukuyin ang kanilang seawaters bilang drop zone.

Sa report mula sa Regional Disaster Risk Reduction and Management Council, sinabi ni Evardone na posibleng bumagsak ang debris sa katubigan ng Mercedes, 385 kilometers mula sa baybayin.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *