7 February 2025
Calbayog City
Entertainment

Anak ni Eva Darren, tinanggap ang apology ng FAMAS kasabay ng pakiusap na mag-stick sa script

NAGLABAS ng panibagong statement si Dr. Fernando De La Pena, ang anak ng veteran actress na si Eva Darren, kasunod ng paghingi ng tawad ng famas sa kanyang ina matapos umano itong isnabin sa 72nd FAMAS Awards night kamakailan.

Sa facebook post, pinasalamatan ni De La Pena ang lahat para sa “overwhelming display of love and support.”

Sinabi niya na nasumpungan ng kanyang ina ang comfort ng pagmamahal ng pamilya mula sa lahat, kasabay ng paglalarawan kay Darren bilang “battle-tested survivor of life’s arena.”

Nilinaw din ni De La Pena na walang kinalaman sa nangyari ang veteran actor na si Tirso Cruz III at Famas PR Officer Renz Spangler, kasabay ng pagsasabing casualties din sila sa kwestiyunableng backstage judgement ng sinuman.

Kasabay ng pagtanggap sa apology, payo ni De La Pena para sa 73rd FAMAS Awards night, “please stick to the script… and maybe a nice pair of eyeglasses for all in charge.”

Una nang ikinatwiran ng organizers ng award-giving body na hindi nila nakita si Darren sa  event kaya pinalitan nila ito bilang isa sa mga presenter.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *