MAGLULUNSAD ang city government ng Catbalogan ng job and service fair sa June 14, 2024, sa Tandaya Hall, Provincial Covered Court, sa Capitol Grounds, sa Catbalogan City, bilang bahagi ng kanilang 17th Charter Day Anniversary Celebration.
Ang one-stop-shop ng government services ay matatagpuan din sa venue, gaya ng application ng PRC licenses, NBI clearance, at iba pang mga programa at serbisyo na iaalok ng mga lalahok na government agencies.
Magkakaroon ng pre-registration sa June 3 hanggang 5, sa Sophias Catering Venue, sa ikalawang palapag ng NOR Appliances Trading, City Plaza (sa tabi ng lumang PSA building).