MARIING pinalagan ni Eastern Samar Governor Ben Evardone ang plano ng North Korea na ilunsad ang kanilang Military Reconnaissance Satellite malapit sa karagatan ng lalawigan.
Sa maikling video statement, tinutulan at kinondena ni Evardone ang planong paglulunsad ng satellite na ipinagbabawal ng United Nations.
ALSO READ:
16 na pulis, inalis sa pwesto bunsod ng umano’y pag-iinuman sa loob ng istasyon sa Eastern Samar
DPWH, pinayagan ang pagtawid ng 30-ton trucks sa San Juanico Bridge tuwing gabi
Pre-Christmas Trade Fair sa Leyte, kumita ng 6.2 million pesos
Mahigit 600 senior citizens, nakinabang sa Oquendo Social Pension Payout
Pinag-iingat din ng gobernador ang lahat mula sa Eastern Samar, lalo na ang mga magsasaka, sa maaring bumagsak na debris hanggang June 3, makaraang tukuyin ang kanilang seawaters bilang drop zone.
Sa report mula sa Regional Disaster Risk Reduction and Management Council, sinabi ni Evardone na posibleng bumagsak ang debris sa katubigan ng Mercedes, 385 kilometers mula sa baybayin.
