5 July 2024
Calbayog City
Local

Ginang at 2 anak patay nang pagtatagain sa Catbalogan City, mga biktima ginilitan sa leeg

catbalogan

PATAY ang isang ginang at dalawa nitong anak matapos pagtatagain sa Catbalogan City.

Nangyari ang insidente pasado alas 6:30 Miyerkules ng gabi sa Barangay Pupua. 

Ayon sa report ni Deejay Arjay ng Catbalogan City, kinumpirma ng Kapitan ng nabanggit na Brgy. na si Sosimo Basal Jr., ang malagim na pangyayari kung saan ginilitan pa umano sa leeg ang mga biktima. 

Ayon kay Basal, inireport ng isang Edito Condiz ang pangyayari kung saan ang kanyang asawa na si Rhea at dalawa nilang anak na edad tatlong buwang gulang at tres anyos ay nadatnan  niyang naliligo sa sarili nilang dugo. 

Natuklasan umano niya ang pangyayari nang umuwi na siya ng bahay mula sa pamamasada ng pedicab. 

Iprinoseso ng Scene of the Crime Operatives ang crime scene para imbestigahan ang malagim na pangyayari.

Wala pang pinangalanang salarin sa insidente.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *