Nakuha ng Gilas Pilipinas ang ikalawang panalo nito sa ginaganap na 19th Asian Games sa Hangzhou, China.
Tinalo ng Pilipinas ang koponan ng Thailand sa score na 87-72.
Nag-ambag ng 22 points si Justin Brownlee, 16 points si CJ Perez, at 9 points si Junemar Fajardo.
Una nang nagtagumpay ang Pilipinas sa laban nito kontra Bahrain.
Bukas, Sept. 29 ay makakalaban naman ng Gilas ang koponan ng Jordan. Samantala, nagwagi rin ang Gilas Pilipinas womens sa laban nito kontra sa koponan ng Kazakhstan sa score na 83-59.