BUMAGAL sa 4.3% ang Gross Domestic Product (GDP) o paglago ng ekonomiya ng bansa noong ikalawang quarter ng taon.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), mas mababa ito kumpara sa 6.4% na naitala noong first quarter, at 7.5% na nai-ulat sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Dahil dito, aabot sa 5.5% ang year-to-date economic growth ng bansa.
Una nang sinabi ng National Economic and Development Authority (NEDA) na kailangang lumago sa 6.6% ang ekonomiya ng bansa sa ikalawang bahagi ng taon para maabot ang target ng gobyerno na 6% hanggang 7% na GDP.