20 August 2025
Calbayog City
Business

Gaming revenues, lumobo ng 27% sa 1st quarter ng 2025

PUMALO sa record-high na mahigit 104 billion pesos ang Gross Gaming Revenue (GGR) ng Local Gambling Industry sa unang quarter ng taon.

Sa datos mula sa Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR), lumago ng 27.4% o sa 104.12 billion pesos ang GGR simula Enero hanggang Marso kumpara sa 81.7 billion pesos na naitala sa kaparehong panahon noong 2024.

Sa first quarter ay nagsilbing top revenue driver ang electronic gaming, makaraang mag-ambag ang e-games at e-bingo segments ng 51.39 billion pesos o 49.36 percent na share sa total gaming revenue.

Naungusan sa unang pagkakataon ng e-games ang licensed casinos, na nag-domina sa GGR sa mahabang panahon.

Nakapag-generate ang casinos ng 49.28 billion pesos para sa 47-percent share ng kabuuang gaming revenue.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).