WALONG Chinese Vessels ang na-monitor ng BRP Teresa Magbanua ng Philippine Coast Guard sa kanilang siyam na araw na pagpa-patrol sa Bajo De Masinloc o Scarborough Shoal.
Idineploy ang Magbanua Sa Bajo De Masinloc upang tumulong sa pagbibigay ng seguridad sa mga pilipinong mangingisda sa West Philippine Sea.
Ayon sa PCG, apat na Chinese Coast Guard Vessels at apat na Chinese Militia Ships ang nagparamdam ng kanilang presensya.
Sinabi ni PCG Spokesperson for the West Philippine Sea, Commodore Jay Tarriela, na muli na namang nagsagawa ng dangerous at blocking maneuvers ang CCG Vessels sa BRP Teresa Magbanua nang apat na beses.