Wagi ang Gilas Pilipinas laban sa China sa score na 77-76, kagabi, dahilan para makabalik ang bansa sa Asian Games Gold Medal Match sa unang pagkakataon simula noong 1990.
Magkakaroon ng rematch ang pambansang koponan laban sa Jordan sa finals habang makakaharap ng China ang Chinese Taipei para sa bronze medal.
Pinangunahan ni Justin Brownlee ang Gilas sa kanyang 33 points, 5 rebounds at 4 assists habang nag-ambag si Scottie Thompson ng 13 markers, 8 boards at 3 dimes.