19 December 2025
Calbayog City
Entertainment

Rochelle Pangilinan, nagbabala laban sa fake Sexbomb Reunion Concert tickets

MATAPOS ang matagumpay na reunion shows, pinayuhan ni Rochelle Pangilinan ang fans na mag-ingat sa mga scammer na nag-aalok ng “ticket assistance” para sa third show ng “Get, Get Aw” Reunion Concert ng Sexbomb.

Ginawa ng actress-performer ang babala sa pamamagitan ng kanyang Instagram stories, kahapon, kung saan ibinahagi niya ang screenshot ng isang social media post tungkol sa umano’y binebentang ticket para sa nalalapit na concert.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).