MAGTATAYO ang Department of Science and Technology (DOST) ng Forest Product Innovation and Training Center (FPITC) sa Baybay City, Leyte upang maisulong ang sustainable forestry sa Eastern Visayas.
Sinabi ni DOST Regional Director John Glenn Ocaña na itatayo ang 3.6 million pesos na halaga ng center sa loob ng Visayas State University Campus sa Baybay City.
ALSO READ:
Infinite Radio Calbayog Welcomes New Station Manager
Bagong paanakan sa Capoocan Main Health Center, magpapalakas sa healthcare ng bawat pamilyang Calbayognon
Mas maraming Anti-Insurgency Projects, ipatutupad sa Northern Samar sa 2026
Mahigit 170 na Octogenarians at Nonagenarians sa Borongan City, tumanggap ng cash aid
Aniya, tututukan ng center ang research, training, at innovation, upang matugunan ang lumalaking demand para sa eco-friendly solutions, kabilang ang nasa industriya ng niyog at kawayan.
Ang pagtatayo ng FPITC ay bahagi ng nationwide initiative, na mayroong kaparehong centers na itinatag sa Isabela State University sa Luzon at Caraga State University sa Mindanao.
