PINANGUNAHAN ni Calbayog City Mayor Raymund “Monmon” Uy ang 11th Local School Board Meeting, sa Division Office Conference Hall.
Tinalakay ng board kahapon ang mahahalagang agenda para sa Sports Development at Youth Empowerment.
Northern at Eastern Samar, isinailalim sa State of Calamity dahil sa Bagyong Uwan
Official selection ng CSO representatives, idinaos sa Calbayog City
Mahigit 3,700 na kabahayan sa Eastern Visayas, napinsala ng magkasunod na Bagyong Tino at Uwan
Illegal quarry materials, nasabat sa Brgy. Anislag, Calbayog City, Samar
Sumentro ang primary agenda sa budget proposal para sa Eastern Visayas Regional Athletic Association (EVRAA) Meet 2026, na itinakda sa March 1 hanggang 7, sa Baybay City, Leyte, kung saan ang magsisilbing host ay ang schools division ng Baybay City.
Ni-review ng board ang funding requirments upang matiyak na ang mga atleta ng Calbayog ay handang-handa na sumabak at maging kinatawan ng lungsod sa regional level.
Tinalakay din ang updates sa Calbayog City Athletic Association Meet (CCAAM) 2025, na nagsisilbing local preparatory stage para sa EVRAA 2026.
