5 July 2024
Calbayog City
Sports

Filipino pole vaulter EJ Obiena, nasungkit ang ikalawang sunod na gintong medalya sa Germany

ej obiena

Nasungkit ng pinoy pole vaulter na si EJ Obiena ang kanyang ikalawang sunod na gintong medalya sa Germany.

Na-clear ni Obiena ang 5.92 meters para mamayagpag sa 15-man field sa isa pang patimpalak sa naturang bansa.

Nagkamit naman ng silver medal si Sam Kendricks ng United States na nakapagtala ng 5.87 meters habang ang French athlete na si Thibaut Collet (tee-bow ku-le) ang nag-uwi ng bronze medal sa record na 5.82 meter-finish.

Matatandaang na-clear din ni Obiena ang 5.92 meters, tatlong araw pa lamang ang nakalilipas nang manguna rin ito sa istaf Berlin Outdoor Pole Vault Event. Ang kanyang back-to-back gold medals ay pambawi sa kanyang early exit sa Zurich Leg of Diamond League kung saan siya nangulelat.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *