5 July 2024
Calbayog City
Sports

FIBA games na naka-schedule sa Okinawa, Japan posibleng mailipat sa Pilipinas

POSIBLENG malipat sa Pilipinas ang mga basketball games na nakatakda sanang gawin sa Okinawa, Japan para sa 2023 FIBA World Cup.

Ito ay dahil sa inaasahang hindi magandang panahon sa Okinawa dahil sa bagyo.

Ayon kay Samahang Basketbol ng Pilipinas (sbp) President Al Panlilio, kung tatama ang bagyo sa Japan, ang mga laro na naka-schedule na ganapin sa Okinawa ay ililipat sa Pilipinas.

Maliban sa apat na groups na mga laro na gaganapin dito sa Pilipinas, ang Okinawa at Jakarta sa Indonesia ay may kani-kaniya ring groups at may schedule ng FIBA games na gaganapin sa kanilang arena.

Sa ngayon, pinaghahandaan na ng sbp ang posibilidad na ang mga laro para sa Groups E at F ay mailipat sa Pilipinas.

Kung sakali, ayon kay Panlilio, gaganapin ito sa Smart Araneta Coliseum at sa Mall of Asia Arena.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *