Nakipag-ugnayan ang Provincial Government ng Antique sa Fertilizer and Pesticide Authority (FPA) para makapagsagawa ng technical investigation sa chemical leak na nakaapekto sa daan-daang estudyante sa lalawigan.
Inirekomenda ni Provincial Agriculturist Dr. Gina Jordan ang pagpasok ng PFPA sa imbestigasyon dahil hindi aniya malayo na pesticide exposure ang naging sanhi ng pagkahilo at pagsusuka ng mga mag-aaral.
Ayon kay Jordan, malapit kasi sa agricultural lands ang barangay na kinaroroonan ng Pis-anan National High School at Pis-anan Elementary School.
Sinuspinde ang klase sa dalawang paaralan hanggang araw ng Biyernes, July 4 para makapagsagawa ng full decontamination sa mga silid-aralan at sa lahat ng pasilidad nito.
Tiniyak din ng Provincial Government na nabibigyan ng mental health at psychosocial support services ang mga apektadong estudyante, guro, at kanilang pamilya.