NAKA-rekober ang net inflows ng Foreign Direct Investment (FDI) sa Pilipinas noong oktubre ng nakaraang taon.
Sa preliminary data na inilabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), umakyat sa 1 billion dollars ang FDI na pangunahing source ng mga trabaho at kapital para sa local economy noong October 2024.
Mas mataas ito ng 50.2 percent kumpara sa 681 million dollars na naitala sa kaparehong buwan noong 2023.
Ang FDI ay maaring nasa porma ng equity capital, reinvestment of earnings, at borrowings.