TATLO sa pinakamaningning na atleta sa bansa ang makatatanggap ng pagkilala mula sa Philippine Sportswriters Association (PSA) sa kanilang taunang Awards Night sa Jan. 27 sa Manila Hotel.
Nakatakdang tumanggap ng special citations matapos gumawa ng marka noong nakaraang taon sina reigning PBA MVP June Mar Fajardo, Two-Time UAAP MVP Kevin Quiambao, at Philippine Women’s Volleyball Team Jia De Guzman.
Pinay Tennis Sensation Alex Eala, nagbabala laban sa disinformation, fake news
Lebron James, Stephen Curry, at Kevin Durant, muling nagsama-sama sa NBA All-Star lineup
World class multi-sports hub itatayo sa New Clark City
Lebron James, napiling maglaro para sa kanyang 22nd consecutive NBA All-Star game
Sina Fajardo at Quiambao ay pagkakalooban ng 2024 Mr. Basketball para sa professional at Amateur Ranks, habang ang veteran setter na si De Guzman ay hinirang bilang Ms. Volleybal
Pararangalan din ang boxers na sina Nesthy Petecio at Aira Villegas matapos makapag-uwi ng bronze medals sa 2024 Paris Olympics, habang pangungunahan ng pool icons na sina Rubelin Amit at Carlo Biado ang major awardees ng PSA.
