BUMAGSAK ng Double-Digit ang Foreign Direct Investments (FDIs) sa bansa noong Agosto kumpara sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.
Sa datos mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), 494 million dollars ang FDI Net Inflows noong ika-walong buwan, mas mababa ng 40.5 percent mula sa 830 million dollars na naitala noong August 2024.
Mas mababa rin ito kumpara sa 1.268 billion dollars na Net Inflows noong Hulyo. Simula Enero hanggang Agosto, umabot na sa 5.179 billion dollars ang FDI Net Inflows, na mas mababa ng 22.5% mula sa 6.686 billion pesos na nai-record sa unang walong buwan ng nakaraang taon.




