KASABAY ng pormal na pagsisimula ng campaign period, umarangkada na din ang operation baklas ng Commission on Elections (COMELEC).
Sa Balut, Tondo, Manila, pinangunahan ni Comelec Chairman George Erwin Garcia ang pagbabaklas sa mga campaign materials na hindi nakapaskil sa nararapat na lugar.
ALSO READ:
Goitia nilinaw ang isyu sa umano’y ₱1.7 Trilyong “Market Wipeout”
2 pang barko ng BFAR, winater cannon ng China Coast Guard malapit sa Pag-asa Island – PCG
DOJ, hindi pa rin kuntento sa impormasyon mula sa mga Discaya kaugnay ng Flood Control Scandal
Kaso ng Influenza-Like Illnesses, mas mababa ngayong taon – DOH
Kabilang sa mga binaklas ay ang mga poster na nakapaskil sa poster ng kuryente.
Katuwang ng Comelec sa operation baklas task force ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno gaya ng MMDA, DPWH at DENR.
Kahapon ay pormal na nagsimula ang campaign period para sa mga kandidato sa pagka-senador at party-list organizations.
Tatagal ito hanggang sa May 10, 2025.
Bawal naman ang pangangampanya sa Huwebes Santo (Apr. 17) at Biyernes Santo (Apr. 18).