Inanunsyo ng Energy Regulatory Commission (ERC) na magiging available simula sa Enero sa susunod na taon ang subsidized “lifeline rate” para lamang sa mga user na naka-rehistro sa programa.
Sinabi ng ERC na ang mga potential lifeline rate participants ay kailangan magparehistro upang kilalanin bilang Qualified Marginalized End-users (QMES).
Noong Hunyo ay nag-isyu ang ERC, Department of Energy, at Department of Social Welfare and Development, ng advisory na nag-o-obliga sa lahat ng distribution utilities na magpatupad ng revised lifeline rate rules.
Sa bagong rule ay disqualified ang mga customer na naninirahan sa mga condominiums, subdivisions, at mga mayroong net-metering services mula sa pag-avail ng lifeline rate.