BUMAGSAK ng mahigit 14 percent ang subsidiyang ipinagkaloob sa mga Government-Owned and -Controlled Corporation (GOCC) noong Setyembre.
Sa pinakahuling datos mula sa Bureau of Treasury, bumaba ng 14.33% o sa 18.22 billion pesos ang budgetary support sa mga GOCC noong ika-siyam na buwan mula sa 21.26 billion pesos noong September 2023.
Rice Tariff Collections, aabot lamang sa 13 billion pesos dahil sa pinalawig na Import Ban sa bigas
PBBM, nilagdaan ang 8 Petroleum Service Contracts na nagkakahalaga ng 207 million dollars
Motorcycle Sales, lumobo ng 11.8 percent sa unang 8 buwan ng 2025
Debt Service Bill ng gobyerno, umakyat sa 665 billion pesos noong Agosto
Gayunman, doble ito sa subsidiyang ipinagkaloob sa mga kumpanyang pinatatakbo ng pamahalaan, noong Agosto na naitala sa 9.1 billion pesos.
Ang mga state-owned firms ay tumatanggap ng buwanang subsidiya mula sa national government upang masuportahan ang kanilang operasyon sakaling hindi sapat ang kanilang kinikita.
Noong Setyembre, ang Philippine Health Insurance Corp. (PHILHEALTH) ang tumanggap ng pinakamalaking suporta na nasa 9.34 billion pesos o 51.27% ng total subsidies.