Bumaba ang agriculture production ng bansa sa ikalawang quarter ng 2024 sa gitna ng matinding pinsala ng El Niño phenomenon sa mga pananim at African Swine Fever (ASF) na patuloy na nakaaapekto sa local hog production.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), bumagsak ng 3.3% o sa 413.91 billion pesos ang halaga ng agriculture and fisheries production noong Abril hanggang Hunyo, mula sa 427.9 billion pesos na naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
ALSO READ:
Rice Tariff Collections, aabot lamang sa 13 billion pesos dahil sa pinalawig na Import Ban sa bigas
PBBM, nilagdaan ang 8 Petroleum Service Contracts na nagkakahalaga ng 207 million dollars
Motorcycle Sales, lumobo ng 11.8 percent sa unang 8 buwan ng 2025
Debt Service Bill ng gobyerno, umakyat sa 665 billion pesos noong Agosto
Inihayag naman ng Department of Agriculture na ang pagbagsak ng produksyon ay naagapan ng expansions sa poultry at fishery subsectors, pati na ang lumalawak na resilience sa livestock sector sa harap ng ASF outbreak.