Inanunsyo ng Hamas ang pagkakatalaga kay Yah-Ya Sinwar na kanilang lider sa Gaza at isa sa mga nag-plano ng Oct. 7 attack sa Israel, bilang bagong pinuno ng kanilang political bureau.
Kasunod ito ng assassination kay Ismail Haniyeh noong nakaraang linggo, sa Tehran.
2 katao, patay sa pagbagsak ng 1 pang crane sa Thailand
Mahigit 30, patay matapos bumagsak ang crane sa pampasaherong tren sa Thailand
Prosecutors, hiniling na sentensyahan ng kamatayan si Dating South Korean President Yoon
26 katao, inaresto ng Cambodian at South Korean police bunsod ng umano’y scams at sex crimes
Una nang inakusahan sa publiko ng Israel si Sinwar bilang “mastermind” sa likod ng terror attack ng Hamas, bagaman ayon sa mga eksperto ay isa lamang ito sa mga nag-plano.
Ito ang dahilan kaya isa rin si Sinwar sa pangunahing targets sa digmaan sa Gaza.
Naniniwala ang US officials na nananatiling at large ang bagong pinuno ng political bureau ng Hamas sa malawak na tunnels sa ilalim ng Gaza, at nagpapalipat-lipat ng lugar, gamit ang mga hostage bilang human shields.
