Isang bangkay ng lalaki na pugot ang ulo ang natagpuan sa bulubundukin ng Brgy. Geragaan kahapon Pebrero 9, 2024 ng gabi.
Nakilala ang biktima na si Renal Elar y Monteclaro, 26-anyos, magsasaka, residente ng Purok 4, Brgy. Villahermosa, Calbayog City.
Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, nakita ang wala ng buhay at pugot ang ulo ng biktima sa isang kubo.
Hinalughog ng mga rumespondeng grupo ang lugar kung saan natagpuan ang biktima ngunit hindi natagpuan ang ulo nito.
Ayon sa pahayag ng ka live-in partner ng biktima, bandang 9:00 ng umaga ng nasabing araw nagpaalam ito sa kanya para gumawa ng uling sa Brgy. Geragaan ng nasabing syudad.
Ipinoproseso na ng Calbayog City Forensic Unit ang pinangyarihan ng krimen.