LIMAMPU’t siyam ang patay habang mahigit isandaan limampu’t lima ang nasugatan nang lamunin ng apoy ang isang nightclub sa North Macedonia.
Sumiklab ang sunog sa Pulse Club sa Kocani, kung saan nasa isanlibo limandaang katao ang nanonood ng concert ng DNK, na sikat na hip-hop duo sa bansa.
Inilarawan ni Prime Minister Hristijan Mickoski ang pangyayari bilang “difficult and very sad day” para sa kanilang bansa na ikinasawi ng maraming kabataan.
Inihayag naman ng interior ministry na naglabas na ng arrest warrant para sa apat na katao, subalit wala nang idinagdag na iba pang detalye.
Nagsimula umano ang sunog mula sa pyrotechnic devices na tumama sa kisame, na gawa sa highly flammable material.