Nagpalabas ng Notice to Airmen o NOTAM ang Civil Aviation Authority of the Philippines sa Busuanga Airport makaraang isang eroplano ng PAL Express ang humambalang sa runway dahil sa technical issue.
Ayon sa CAAP, ang na PAL flight PR2961 na galing Manila ay lumapag sa Busuanga Airport 7:47 ng umaga ngayong Biyernes Sept. 5.
Dahil sa naranasang problema ng eroplano, hindi na ito nakaalis sa runway dahilan para maapektuhan ang iba pang flights sa Paliparan kabilang ang mga biyahe ng CebGo at PAL Express.
Sinabi ng CAAP na patuloy na ang mga hakbang para maialis sa runway ang eroplano at maibalik sa normal ang operasyon ng paliparan.
Inatasan ang mga airlines na tiyaking nabibigyan ng karampatang tulong ang mga apektadong pasahero.