LIMANG hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang nasawi sa engkwentro laban sa tropa ng pamahalaan sa Lagonoy, Camarines Sur.
Ayon kay Army Spokesperson Colonel Louie Dema-Ala, nangyari ang sagupaan ng mga rebelde at mga tauhan ng 9th Infantry Division sa Barangay Burabod.
Inihayag ni Dema-Ala na ang isinagawang operasyon ay alinsunod sa kanilang mandato na protektahan ang mamamayan, pagtibayin ang Rule of Law, at bantayan ang mga komunidad mula sa banta ng kaguluhan.
Idinagdag ng opisyal na mananatiling alerto ang militar ngayong holiday season at patuloy na tutugisin ang mga natitirang miyembro ng teroristang grupo.




