Naitayo na ang medical tent ng Philippine Emergency Medical Assistance Team ng Department of Health para may mapuntahan ang mga pasyente ng Sto. Tomas, Macabebe at iba pang karatig bayan sa Pampanga.
Ito ay makaraang isara muna ang Domingo B. Flores District Hospital dahil sa pagbaha.
ALSO READ:
Kumpleto at libre ang mga gamot, konsultasyon, laboratoryo at diagnostic services, maging ang andmission, surgery at iba pang medical operations sa tent.
Ang emergency facility ng DOH-PEMAT46 ay maaaring magsilbi bilang fully operational na ospital dahil sa kakayahan at karanasan ng mga nakatalaga dito.
Ang PEMAT46 ay isa lamang sa tatlong Emergency Management Team ng Pilipinas na verified at kinilala ng World Health Organization.